-- Advertisements --

Bigong makapaghain ngayong araw ng kanilang mga kontra salaysay ang mga pulis na akusado sa kaso ng pagpatay sa anim na katao sa San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan.

Ayon sa panel of prosecutors ng Deprtment of Justice (DoJ) sa pangunguna ni Senior Assistant State Prosecutor (SASP) Rodan Parrocha, sa halip na counter affidavit ay humirit ang mga abogado ng mga suspeks ng extention upang maihain ang kanilang mga kasagutan sa mga kasong kidnapping, murder at planting of evidence na isinampa ng mga kaanak ng mga biktima at ng National Bureau of Investigation (NBI).

Paliwanag ng panel, batay sa argumento ng Fortun Santos law firm na tumatayong abogado ni Police Major Leo dela Rosa, Chief Intelligence and Drug Enforcement Section ng SJDM, at ng Lim & Yutatco-Sze Law Firm abogado naman ng iba pang respondents na katatanggap pa lamang nila ang kopya ng mga isinampang reklamo at kailangan pa nilang aralin ang mga ito.

Kaya naman humingi ang mga ito ng karagdagang panahon upang makapagsumite ng mga kontra salaysay ng kanilang mga kliyente.

Kaugnya nitoy binigyan naman ng pitong araw pang palugit ng panel ang kampo ng mga respondents upang makapaghain ng kanilang mga kontra salaysay.