Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pag re-assign sa kanilang mga Police personnel na may mga kamag-anak na kandidato sa May 2022 national and local elections.
Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang nasabing hakbang ay para maiwasan na masangkot sa partisan politics ang kapulisan.
Sinabi pa ni PNP chief na kanilang hinimok ang kanilang mga personnel na ideklara kung may mga kamag-anak silang tumatakbo sa halalan subalit yung mga hindi nagdeklara ay ire-relieved sa kanilang pwesto.
Inihayag din ni PNP chief na nasa 16,000 police personnel ang sumasailalim ngayong sa training para magsilbing dagdag pwersa sa ground para sa nalalapit na halalan.
Idi-deploy din ng PNP ang kanilang mga administrative staff para tumulong sa pagbibigay seguridad.
Siniguro ni Carlos na 100 percent handa na ang PNP sa pagbibigay seguridad sa May 9,2022 elections.