TUGUEGARAO CITY – Mariing kinondena ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang panununog ng armadong grupo ng umano’y New People’s Army (NPA) sa anim na heavy equipment ng isang construction company sa Alcala kagabi

Sinabi ni Mamba na ang ginagawang kalsada at mga tulay ng CAMIA construction company ay pinondohan ng World Bank ng P200 million.

Dahil dito, nanawagan ang gobernador sa mga may alam sa kinaroroonan ng mga gumawa nito na ipagbigay-alam sa kanyang tanggapan para sa kaukulang aksyon.

Nanawagan din si Mamba sa NPA na mas mainam na magbalik-loob na lamang sa pamahalaan dahil may ibinibigay na trabaho at livelihood ang pamahalaang panlalawigan sa mga rebel returnees.