-- Advertisements --

Nabigyan ng pagkilala at nagkamit ng karangalan ang ilang programa ng Bombo Radyo Philippines sa katatapos na 47th Catholic Mass Media Awards.

Nagwagi ang bilang back-to-back winner ang Bombo Network News bilang Best News Program.

Habang Best Business News ang Bombo Special Report ng Bombo Radyo Philippines.

Best Entertainment Program naman ang Pinoy Memories ng 99.5 Star FM Iloilo.

Binigyan naman ng special citation bilang Best Public Service Program ang Bombo Lifestyle ng Bombo Radyo Philippines at Best Counseling Program ng 102.7 Star FM Manila sa segment na “Istoryang Pasada: Takbo”.

Ilang programa ng naman ng Bombo Radyo Philippines ang naging finalist gaya ng Best News Program ng Bombo Radyo Cebu; Best Drama Program ng Bombo Radyo Cauayan ; Best News Feature ng Bombo Radyo Dagupan, Star FM Dagupan at Bombo Radyo Iloilo ; Best Education Program ng Bombo Radyo Philippines at Bombo Radyo Cauayan at Best News Commentary ng Bobmo Radyo Cebu.