-- Advertisements --

Suportado ng mga pribadong eskwelahan ang pagpapalakas sa senior high school sa pamamagitan ng Technical and Vocational Education and Training (TVET)  Program.

Ito’y matapos ipag-utos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na ire-skill at i-upskill ang mga senior high school graduates upang magiging ready workforce ang mga ito.

Inatasan ng Pangulo ang TESDA, DEPED at  DOLE na pag aralan ng maigi ang bagong sistema at ipatupad ito sa lalong madaling panahon.

Ayon kay TESDA Deputy Director General Rosanna Urdaneta nagsagawa sila ng konsultasyon sa mga private schools sa bansa ukol dito at ang kanilang tugon ay bukas sila sa nasabing panukala.

Gayunpaman ang nasabing programa ay ipatutupad muna sa mga pampublikong paaralan.

Sa ngayon bumuo na sila ng technical working group na siyang aaral sa pinalakas na education system sa senior high school.

Sinabi ng opisyal na bagamat mahirap ang nasabing hakbang ay kakayanin nilang  pagsamahin ang curriculum ng Tesda at DepEd.

Nilinaw di ni Urdaneta na walang magagalaw sa kasalukuyang set up ng pagtuturo ng DepEd.

Aniya ang kanilang gagawin ay isailalim sa TESDA trainings ang mga guro.

Nasa P50 million ang pondo na inilaan ng gobyerno para isailalim sa training ang mga guro.

Bago ang full implementation ng programa magsasagawa muna ng pilot testing sa ilang mga eskwelahan sa ibat ibang rehiyon sa bansa.