-- Advertisements --

Pasok pa rin sa mga guidelines na itinakda ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga presyo ng school supplies sa Divisoria.

Sinabi n DTI Secretary Alfredo Pascual na may mga tauhan silang umiikot sa mga pamilihan para tiyakin na hindi gaano grabe ang pagtaas ng presyo ng mga school supplies.

Personal din nito ng ininspeksyon ang mga bilihin ng school supplies sa Divisoria at nakita nitong hindi pa ito gaanong mataas.

Pagtitiyak ng kalihim na mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga pamilihan ilang araw bago ang pormal na pagsisimula ng pasukan sa bansa.