Kapwa mga Pinoy athletes ang maglalaban bukas sa mens double event sa larong tennis dito sa Rizal Memorial tennis center, matapos talunin ng Phil team ang kani kanilang kalaban.

Sa unang laro ay pinataob ng tambalang Tret Huey at Ruben Gonzalez ang Vietnamese duo sa score na 6-1,6-3 si Huey ang naging susi ng panalo matapos ginamit nito ang mga galing sa pag seserve ng bola kung saan ay hirap na hirap ang vietnamese players sa pag kuha ng galaw ng mga bola sa playing court,na naging dahilan ng pagkatalo nito.

Sa pangalawang laban naman ay dinomina nina Nino Alcantara at Jeson Patrombon ang isa pang Vietnamese Duo ng Nguyen brothers sa score na 6-3,6 1.

Bukas ay maglalaban sa final match ang kapwa mga pinoy ng Tambalang Tret Huey at Ruben Gonzalez laban sa tambalang Nino Alcantara at Jeson Patrombon dito sa Rizal Memorial tennis center. (Bombo Dexie)