-- Advertisements --
ILOILO CITY – Normal na muli ang takbo ng klase sa Thailand sa kabila ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Bombo International Correspondent Rinse Galupo, face to face na ang klase mula elementarya hanggang kolehiyo sa Thailand.
Ngunit nararapat pa rin ayon kay Galupo na magsuot ng face mask ang mga estudyante at matiyak na normal ang kanyang body temperature sa tuwing papasok sa school campus.
Sa katunayan aniya, nagsagawa na rin ng sports fest ang ibang mga paaralan sa Thailand kung saan hindi na pinapasuot ng face mask ang mga estudyante.
Samantala, sa pagpunta naman sa mga pampublikong lugar, hindi rin mandatory ang pagsuot ng face mask.










