-- Advertisements --

Naging laman ng usapan nina Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at US State Secretary Antony Blinken ang pananaw sa ilang mga isyu kabilang na ang kontrobersiyal na pagbisita ni House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan at mga kalapit na bansa.

Ayon kay Marcos bagama’t hindi siya naniniwala na tumaas ang tensiyon sa asia pacific region, ipinakita lang nito ang intensity ng matagal ng hidwaan sa lugar.

Sa kabila nito, nasanay na umano ang Pilipinas ayon kay Marcos sa ganitong sitwasyon at mas pinipili nang bansa na isantabi na lamang ito.

Sa huli binigyan diin ng Pangulong ang importansiya ng magandang relasyon sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Umaasa umano si Marcos na magpapatuloy ang maayos na ugnayan ng dalawang bansa sa gitna ng mga nararanasang pagbabago sa bilateral relationship nito sa US.

Binanggit din ng Punong ehekutibo kay Blinken ang mga tulong at suporta na ibinibigay ng Amerika sa Pilipinas simula pa noong mga nagdaang panahon.

Naniniwala si Marcos na hindi basta-basta mapuputol ang ugnayan ng dalawang bansa dahil sa special relationship na mayroon ang US at Pilipinas na pinagtibay ng mga pinagdaanan nito sa kaysasayan.