-- Advertisements --

Naghahanda na ngayon ang mga Pinoy sa Russia sa posibleing worst-case-scenario sa nagpapatuloy na Russia-Ukraine war.

Ito ang ibinahagi ni Bombo Internatonal News Correspondent Dignadice na tubong lungsod ng Koronadal at walong taon nang nagtatrabaho sa Moscow, Russia.

Ayon kay Dignadice, hindi man ramdam ang giyera sa Moscow dahil ang Russian forces ang umatake sa Ukraine ay mahigpit na seguridad pa rin ang ipinapatupad sa bansa.

Ito ay dahil sa maraming mga Ukrainian na rin ang lumikas sa Russia bago pa man nagsimula ang giyera.

Sa katunayan, may mga paaralan na ipinasara dahil sa bomb threat matapos na may nahuling mga Ukrainian national na planong mamomba at nakunan mismo ng mga IED’s at flag ng Ukraine.

Ngunit, patuloy din umano ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa mga Pinoy sa Russia.

Humihiling din ng panalangin ang mga ito na hindi na tumagal o lumala pa ang sitwasyon o away ng nabanggit na mga bansa.