Matapos ang pag-account sa lahat ng mga Pinoy na nasa Japan, kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo na walang nasugatan o nasaktang Pilipino sa pagtama ng magnitude 7.2 na lindol nitong Huwebes, June 25, 2026.
Ayon kay Consul General Robert Quentin, inalam ng embahada ang kalagayan, kapwa ng mga Pilipinong nagtatrabaho, bumibisita, at maging ang mga naninirahan na sa naturang bansa.
Iniulat din ng PH official na nananatiling maayos ang kalagayan ng mga Pinoy, partikular sa mga natukoy na pinaka-apektadong lugar.
Kinabibilangan ito ng mga prefecture ng Hokkaido, Iwate, Aomori, Miyagi, at Akita.
Sa ngayon, regular din aniya ang pag-update ng Japanese government ukol sa epekto ng lindol, kasama ang inspection sa mga pasilidad. (report by Bombo Jai)
















