-- Advertisements --
image 374

Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Cairo, Egypt ang mga Pilipino doon laban sa mga demonstrasyon sa gitna ng inaasahang malawakang protesta sa buong bansa.

Inisyu ng PH Embassy ang naturang advisory matapos ang nangyayaring random marcheso demonstrasyon sa Egypt kabilang ang mga plinaplanong mga protesta sa hinaharap.

Kaugnay nito, pinapaalalahanan ang mga Pilipino na mag-ingat at umiwas mula sa malawakang kongregasyon at manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari.

Sakaling mangailangan ng tulong, maaaring tawagan ang embahada sa numerong +20 1227436472.

Una rito, kasunod ng pagsiklab ng giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas noong Oktubre 7, nagresulta ito ng mga protesta sa iba’t ibang bahagi ng Egypt na nakatuon para icall out ang aksiyon ng Israel at makisimpatiya sa mamamayan ng Palestine sa Gaza na napatay sa gitna ng madugong bakbakan sa magkabilang panig.