(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinagpasalamat pa rin ng mga Pinoy workers na hindi nakatama ang pinakawalang rocket launchers mula sa Iranian forces tungo sa ilang army bases ng Amerika na nakabase sa Iraq.
Ito’y matapos masuwerteng na-intercept ng Iraqi defense system ang ilang launchers na pinakawala ng Iran sa Irbil City kung saan tina-target ang US army base.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Ruby Los Baños na tubong Cagayan Valley Province pero nagtatrabaho sa Irbil City, kinabahan silang lahat nang mangyari na ang kinakatukan nilang tapatan ng military hardware ng Iran at Estados Unidos.
Marami aniya sa kanyang mga kaibigan na nakabase sa Baghdad City ay nakapagkuwento rin sa kanya kung gaano nila pilit ino-overcome ang mga pagsabog na tumama sa ilang army bases ng Amerika kaninang madaling araw.
Una nang ipinag-utos ng Philippine Embassy sa Iraq na maghanda ang nasa mahigit 6,000 Pinoy workers para sa sapilitang pagsilikas kung sakali na lumala ang tensyon ng Iran at Estados Unidos.