-- Advertisements --
Tumaas ang bilang ng mga Filipino na nagbukas ng kanilang mga bank accounts.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong third quarter ng 2023 ay nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng mga nagbukas ng low-cost deposit accounts (BDA).
Aabot sa 175 percent ang itinatas nito na mayroong mahigit 23.6 milyon mula Hulyo hanggang Setyembre kumpara sa 8.6 milyon na bilang noong 2022 sa parehas din na buwan.
May kabuuang halaga nito na P36.6 bilyon kumpara sa P4.9 bilyon noong 2022.
Mula kasi ng ipakilala ng mga bangko noong 2018 na maaaring magbukas ang mga Pinoy ng bank accounts na may minimum fee na P100 o walang maintaining balace at dormacy charges ay marami ang nagkainteres na magbukas ng kanilang mga bank accounts.