Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Beirut ang mga Pilipinong naninirahan malapit sa southern border ng Lebanon na lumikas sa gitna ng tensyon sa lugar.
Sinabi ng embahada sa mga Pilipino na iwasan ang hindi mahalagang paglalakbay sa southern Lebanon.
Ito ay ahil sa patuloy na tensyon sa southern border ng Lebanon na nagdudulot ng malaking banta sa kaligtasan at seguridad ng mga sibilyang residente.
Hinimok ng embahada ang mga Filipino na makipag-ugnayan sa kanila o sa Migrant Workers Office para magparehistro at mag-update ng kanilang sitwasyon.
Nauna nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mas mababa sa 100 Pilipino”na naninirahan sa hilagang Israel, na nasa hangganan ng south Lebanon, ay inilikas na rin sa gitna ng mga rocket strike ng Lebanese militant group na Hezbollah.