-- Advertisements --

Makikinabang umano ang mga Pilipino sa makasaysayang trilateral summit nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida, at Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez ang pagpupulong ng tatlong lider ng bansa sa Washington DC sa Abril 11 (oras sa Amerika) ay isa umanong pahiwatig ng paglalim ng relasyong pang-ekonomiya ng tatlong bansa at pagtaguyod sa katatagan at kapayapaan sa Indo-Pacific region, at pagpapalakas ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

Sinabi ng house leader na ang makasaysayang trilateral meeting ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng Pilipinas sa Amerika at Japan para sa pagpapanatili ng katatagan at pagkakaroon ng kaayusan sa rehiyon.

Ayon sa house leader ang trilateral meeting ay hindi lamang mahalaga para sa interes ng Pilipinas kundi maging sa international community ng mga bansa.

Sinabi ng lider ng Kamara na inaasahan na pag-uusapan din ng tatlong lider ng bansa ang pagkakaroon ng inclusive economy at paglinang ng mga kritikal at umuusbong na tekbolohiya, climate change cooperation, at clean energy supply chain.

Ang trilateral meeting ay magbibigay daan din umano upang mapalakas ang posisyon ng Pilipinas bilang isang mahalagang hub sa international supply chain na makatutulong sa pag-unlad ng bansa.