Kabilang sa ipraprayoridad ang mga Pilipino na makatawid mula sa Gaza patungong Egypt at tutulungan ng mga awtoridad sa Egypt.
Ito ang tiniyak ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega.
Nagpasalamat din ang opisyal kay Egyptian Ambassador to the Philippines Ahmed Shehabeldin na siyang kumausap sa pamahalaan ng Egypt na bigyan ng priority ang mga Pilipino na nasa border para mapabilis ang paproseso para makatawid patungong Egypt.
Ayonkay USec. De Vega, mayroong 135 Pilipino sa Gaza subalit tanging nasa 78 hanggang 80 ang inaasahang ttawid sa Rafah Crossing patungo sa Egypt.
Sa kabila nito, umaasa pa rin ang opisyal na lumikas na rin ang iba pang mga Pinoy dahil hindi aniya magagarantiya ang kaligtasan at matiwasay na kondisyon sakaling tuluyan ng isagawa ang ground assault ng Israel forces sa Gaza.
Sa pinakahuling update nitong umaga ng Sabado, nananatiling sarado pa rin ang Rafah Crossing, ang border corridor ng Gaza sa Egypt.
Ito ay sa gitna na rin ng nagpapatuloy na mga negosasyon at konstruksiyon ng mga kalsada na hindi pa natatapos.