Iniulat ng United Kingdom na isasama nito sa kanilang mga prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang mga Pilipino na nagtatrabaho bilang health care workers sa nasabing bansa.

Kung maaalala, inaprubahan na ng Britanya ang Pfizer-BioNtech COVID-19 vaccine para magamit na simula sa susunod na linggo.

Labis naman na ikinatuwa ang balitang ito ng mga nurse sa UK.

Bukod daw kasi sa hindi nila alam kung kailan matatapos ang pandemyang ito ay natatakot din sila para sa kanilang sariling mga buhay.

Ang bakuna mula BioNtech ay magsisilbi anilang bagong pag-asa na kanilang panghahawakan habang walang humpay na nagseserbisyo para sa mga nangangailangan.

Umaasa naman ang iba na makakauwi na sila ng bansa sa oras na mabigyan ng bakuna.