Inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagpasok ng ibat ibang mga Filipino food products sa mga merkado ng Hong Kong.
Ayon sa DTI, binuksan na ang mga pinoy products sa naturang lugar, at magtatagal sa mga merkado nito hanggang sa Nobiembre-2.
Nagawa ng Philippine Trade and Investment Center (PTIC)-Hong Kong ang pagpapakilala sa mga Pinoy-made products sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan nito sa mga malalaking merkado ng Hongkong.
Kabilang sa mga produktong ipinapakilala sa Chinese market ay ang mga locally-produced na de lata, katulad ng sardinas, corned beef, tuna, at iba pang pagkain.
Ayon sa DTI, ang pagpasok ng Pinoy food industry sa Chinese territory ay nagpapakita ng malakihang merkado ng mga pagkaing pinoy.
Malaki rin aniya ang ambag ng mataas na Pinoy population sa naturang lugar.
Target naman ng DTI na maabot ang mga Pinoy abroad, Chinese, at iba pang mga lahi, sa panibago nitong programa.