-- Advertisements --
Napahanga ng mga Filipino dancers na sina Karl at Ezekiel ang mga judges ng Britain’s Got Talent”.
Nagpapalit-palit kasi ng kanilang costumes ang mga ito habang sumasayaw sa kanta ni Tina Turner na “Proud Mary”.
Hindi naiwasan ng mga judges at mga audience na mapatayo sa kanilang kinauupuan matapos ang pagtatanghal ng dalawa.
Dahil sa performance ay pasok na sa susunod na round ang dalawang dancer.