eumir marcial boxing
Eumir Felix Marcial of the Philippines (photo from Go for Gold Philippines)

Kaagad na nagpakitang gilas Ang mga Pinoy boxers sa unang araw Ng boxing event dito sa nagpapatuloy na sea games 2019.

Unang sumabak sa boxing ring ang beteranang boksingera na si Josie Gabuco Kung saan tinalo nito via split decision si raksat chuthailandmat Ng Thailand.

Mula unang round hanggang sa ikatlong round naging agresibo si Gabuco upang makopo ang unang panalo sa women’s preliminary rounds.

Ikalawang umakyat sa boxing ring si Aira Villegas para sa women’s bantam weight 54kg division.

Nakasagupa Ng baguhang sea games boxer si Vilaypone Vongphachan ng Laos.

Bilis at lakas ng suntok ang naging puhunan ag Waray boxer para makuha ang unanimous decision na panalo.

Huling bumandera si 2017 sea games bronze medalist Carlo Paalam at hindi nito binigo ang mga kababayan.

Kombinasyon nang 1,2,3 punch, upper cuts Ang nagpadugo sa Mata ni Khamohouvanh khamsanthone Ng laos.

Panalo si Paalam via unanimous decision victory.

Pinaghahandaan ngayon ng CDO boxer Ang boksingero Mula Thailand bilang susunod na makakalaban.

13 gold medals ang pag-aagawan sa boxing match ng sea games. (Bombo Ronald Tactay)