-- Advertisements --
image 258

Iniulat ng Department of Foreign Affairs na nakalikas na ang lahat ng mga Pilipinong nasa Gaza City na naipit sa nagpapatuloy na kaguluhan sa lugar.

Ito ay sa gitna ng mas umiigting pang sigalot sa pagitan ng mga Israeli Defense Forces at militanteng grupong Hamas.

Ayon kay DFA Usec. Eduardo De Vega, nasa kabuuang 131 na mga indibidwal na ang lumisan sa Gaza City matapos ang pag-alis ng huling batch ng ating mga kababayan sa lugar na binubuo ng 23 mga Pilipino.

Aniya, sa naturang bilang ay nasa kalahati lamang ang pawang mga Pinoy dahil ang iba sa mga ay ang kanilang mga anak kasama ang kanilang mga asawang Palestinian.

Ang lahat ng mga ito ay pawang nagpahayag ng kagustuhang umuwi sa Pilipinas.

Bukod dito ay sinabi rin ng opisyal na sa ngayon ay mayroon nang 78 mga inidbiwal ang nasa mga border ng Ehipto, habang mayroon pa ring 30 iba pa na nasa ibang bahagi ng southern Gaza na wala naman aniyang gaanong panganib kumpara sa hilagang bahagi ng naturang lugar.

Samantala, sa ngayon ay inaantabayanan pa ng ating mga kababayang nakalikas na sa naturang border, habang naghihintay ng anunsyo kaugnay sa international crossing patungong Egypt kung saan sila sasalubungin ng mga government officials ng Pilipinas.