-- Advertisements --

Aabot lamang sa 71 ang bilang ng Pilipino na nananatili sa pantalan ng Sudan at wala sa mga ito ang naipit sa Cairo, Egypt.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na hindi aniya lahat ng mga Pilipino na lumikas ay umuwi sa Pilipinas dahil may ilan ay nagtungo pa sa ibang lugar.

Mayroon lamang 599 na mga Pilipino ang nakauwi sa bansa at inaasahan na ito ay madadagdagan sa mga susunod na araw.

Mayroong 50 Pilipino ang kanilang naitala na nananatili sa Khartoum ang sentro ng kaguluhan sa Sudan.

Tiniyak din ng DFA na nakaantabay sila sakaling may mga magpahayag na nais na umuwi sa bansa.