Inanunsiyo ng organizers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang dagdag na anim na pelikulang kalahok sa 49th edition ng Film Festival sa nalalapit na Disyembre.
Pinangunahan ni Atty. Romando Artes ang anunisyo na siya ring chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Kinabibilangan ito ng mga pelikulang “When I Met You In Tokyo” na pinagbibidahan nina Vilma Santos at Christopher De Leon; kasama rin ang horror movie na “Mallari” na pinagbibidahan nina Piolo Pascual kasama si Janella Salvador.
Pasok din ang pelikulang “Gomburz” na pinabibidahan nina Enchong Dee, Dante Rivero at Cedric Juan; ang comedy film na “Becky and Badette” na pinagbibidahan nina Eugen Domingo at Pokwang; kabilang din ang fantasy movie na “Firefly” na ang bida ay sina Alessandra de Rossi at Cherry Pie Picache at ang comedy film din na “Broken Hearts Trip” na pinagbibidahan nina Christian Bables at Andoy Ranay.
Ang nasabing pelikula ay karagdagan sa naunang apat na pelikula na inanunsiyo noong nakaraang mga buwan gaya ng “A Mother and Son’s Story” nina Sharon Cuneta at Aldren Richards: horror film na “(K)Ampon” nina Beauty Gonzales at Derek Ramsay; “Penduko” isang fantasy na pinagbibidahan nina Matteo Guidicelli at romance movide na “Rewind” nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Paliwanag ni Artes, na dahil sa dikit ang mga scores ng pang-apat hanggang anim na huling batch ng pelikula kaya isinama na lamang nila at huwag ng i-break ang tie.