Nabatid sa isang panibagong pag-aaral ng mga eksperto na mas madaling mamatay mula sa coronavirus disease ang mga taong may high blood pressure.

Inaral ng international team ng mga researcherts ang record ng nasa 3,000 pasyente na ginamot sa Wuhan, China kung saan 30% sa mga ito ang may high blood.

Ayon kay Ling Tao mula sa Department of Cardiology sa Xijing Hospital na sinimulan nilang gamutin ang mga COVID-19 positive patients noong Pebrero sa Wuhan kalaunan ay napansin umano nila na halos kalahati ng mga pasyenteng namatay dahil sa virus ay may iniindang high blood pressure.

Napag-alaman din ng grupo na 4% ng mga pasyenteng namatay ang may high blood.