-- Advertisements --
image 638

Magsisimula nang dumagsa sa mga terminal ng bus partikular na sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) simula bukas ang mga pasaherong uuwi ng kani-kanilang mga probinsiya para sa darating na Semana Santa.

Ayon kay Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) corporate and government relations officer Jason Salvador, inaasahan na nilang dadating ang mga bibiyahe simula bukas March 29 hanggang sa April 9 pagkatapos ng Easter Sunday.

Aniya, nakahanda na sila sa pagdagsa ng mga biyahero sa terminal at nakikipag-uganayan na din sila sa iba pang mga ahensya ng transportasyon.

Kaugnay niyan, nagbabala si Salvador sa publiko ukol sa mgamapagsamantalang tao sa loob ng terminal.

Idinagdag niya na iwasan din daw ang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit at marapat na sumunod sa protocol at guidelines ng terminal upang walang maging problema bago bumyahe pauwi ng probinsiya.

Una na rito, inaasahan daw nila na may kabuuang bilang na 1.2 million katao na bibiyahe ang darating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange.