-- Advertisements --

Inilabas na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang mga pangalan ng bagyo ngayong taon kapag pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang mga ito ay kinabibilangan ng :
Aghon, Butchoy, Carina, Dindo , Enteng,Ferdie, Gener, Helen, Igme, Julian, Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel, Pepito, Querubin, Romina, Siony, Tonyo, Upang, Vicky, Warren, Yoyong at Zosimo.

Ang nasabing mga pangalan ay muling ginagamit kada apat na taon.

Hindi lamang nauulit ang mga pangalan ng bagyo na mayroong matinding pinsala sa bansa.

Sa nasabing pangalan ngayong 2024 ay gagamitin sa 2028, 2032 at 2036.