-- Advertisements --
Tiyak na ang bronze medal sa 31st Southeast Asian Games ni veteran cue artist Efren “Bata” Reyes
Ito ay matapos na magwagi siya laban kay Suriya Suanasing ng Thailand 65-58 sa carom tournament.
Sa unang bahagi ng laro ay humahabol pa ang Filipino billiard legend hanggang sa makuha niya ang kalamangan.
Noong 2019 SEA Games ay nagtapos ng bronze medal ang nasungkit ng 65-anyos na si Reyes.
Tinalo din ng Filipino cushion carom player na si Francisco Dela Cruz ang pambato ng Thailand na si Sompol Saetang.
Nalalapit na rin ang pagdepensa ni Rubilen Amit sa kaniyang women’s 9-ball pool singles ng talunin si Xuan Van Bui ng Vietnam.
Pasok na rin sa semifinals round ng men’s 9-ball sina Carlo Biado and Johann Chua ng talunin ang mga nakalaban.