Nagsimula nang maghanda ang mga paliparan sa bansa para sa papalapit na paggunita sa Araw ng mga Patay at Araw ng mga Santo sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre.
Sa harap ito ng inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong babiyahe sa darating na long weekend.
Sa isang statement, sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines na sa ngayon ay nagsasagawa na ng kaukulang preparasyon ang mga paliparan sa bansa.
Kabilang na ang sa mga ito ay ang pagpapalakas pa sa kanilang security measures at pagpapanatili sa pagpapatupad ng high alert kasunod ng mga serye ng mga bomb jokes at threat sa nakalipas na nakaraang linggo.
Samantala, bukod dito ay sinabi rin ng CAAP patuloy din ang kanilang isinasagawang koordinasyon sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Philippine National Police Aviation Security Group, Office of Transportation Security, Department of Tourism, and Civil Aeronautics Board para sa mas episyenteng pagpoproseso sa mga dokumento ng mga pasahero, partikular na sa mga check-in counters.
Kaugnay nito ay magpapatupad din ng mas mahigpit na security protocols sa mga paliparan sa pamamagitan ng scanning of passenger baggage, at maximum deployment ng service and security personnel sa ilalim ng “no leave” policy.
Samantala, bukod dito ay hiniling din ng CAAP para sa dagdag deployment ng mga personnel mula sa mga airline stakeholders para sa mas maayos na pag a-accomodate sa mga dadagsang mga biyahero.