-- Advertisements --

Inilagay ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa high alert ang 43 commercial operating airports sa bansa.

Ito ay dahil sa inaasahang pagdami ng mga pasahero ngayong panahon ng holiday.

Ayon sa CAAP, na nakipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno para sa pagdagdag nila ng mga personnel.

Dahil aniya sa travel bans sa nagdaang dalawang taon bunsod ng COVID-19 pandemic ay inaasahan na maraming mga pasahero ang nanabik na makabiyahe sa ibang bansa.

Mula Enero hanggang Oktubre kasi ay nakapagtala ang CAAP ng 16 milyon na pasahero ang bumiyahe at inaasahang ito ay tataas pa sa huling bahagi ng Disyembre.