-- Advertisements --

KInansela ng gobyerno ng Sri Lanka ang nakatakdang pagsusulit ng ilang milyong mag-aaral dahil sa kakulangan ng mga papel.

Nagkaroon kasi ng kakulangan sa dollars para sa pambili ng mga papel na galing pa sa ibang bansa.

Ayon sa Education department ng bansa na kanilang ipinagpaliban ang nakatakdang pagsusulit at ito ay walang katiyakan kung kailan babalik.

Dahil dito ay apektado ang nasa 4.5 milyon na mag-aaral na nakatakdang kumuha ng pagsusulit.

Nauna ng kinumpirma ng International Monetary Fund na ikinukonsidera nila ang request ni Sri Lankan President Gotabaya Rajapaksa na pag-usapan ang bailout para hindi na magkaroon pa sila ng problema sa suplay ng mga papel.