-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na iiral ang travel ban sa mga Chinese nationals hindi lamang mula sa Hubei province sa China, kundi maging sa ibang lugar sa China kung saan kalat na rin ang Wuhan coronavirus.

Kung maaalala, nagsimula ang nasabing virus sa Wuhan City, Hubei province at kumalat sa ibang bahagi ng mundo.

Inirekomenda ni Health Sec. Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte ang temporary travel ban sa mga apektadong Chinese kasunod ng nakumpirmang kaso ng Wuhan coronavirus sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, babawiin lamang ang travel ban sa mga Chinese kung natapos na ang banta ng nakakamatay na virus.

Ayon kay Sec. Panelo, hinihikayat nila ang publiko na sundin ang payong preventive measures ng Department of Health (DOH) gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay at pagsuot ng surgical masks sa mga pampublikong lugar.

Hindi naman nabanggit ni Sec. Panelo kung kasama sa mga apektado ng travel ban ang ibang mamamayan o nationalities na galing din sa China.

Upon the recommendation of DOH Secretary Francisco Duque, the President has issued a travel ban to Chinese nationals coming from the Hubei province of China where the nCoV originated, as well in other places in China where there is a spread of the disease, as officially confirmed by the Chinese government. It will last until the threat is over given that the safety of our countrymen is foremost in the President’s mind,” ani Sec. Panelo.