-- Advertisements --

Kinumpirma ng Civil Aviatioin Administration ng China na walang nakaligtas sa kabuuang 132 sakay ng bumagsak na pampasaherong eroplano sa southern China.

Sinabi ni Hu Zhenjiang, deputy director-general ng Civil Aviation Administration of China, lahat aniya ng 123 na pasahero at siyam na crew ang nasawi ng bumagsak ang flight MU5735 ng China Eastern airlines.

Nakilala na ang pagkakakilanlan ng 120 na biktima matapos na isailalim ang mga ito sa DNA identifications.

Hanggang sa ngayon aniya ay blangko pa rin sila kung paano biglang bumulusok pababa mula sa 7,850 talampakan ang nasabing eroplano.

May dalawang recorder ang Boeing 737-800 na ang isa ay nakalagay sa likod ng passenger cabing tracking flight data at ang isa naman ay sa cockpit voice recorder.

Magugunitang bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Wuzhou City sa Guangxi province ang nasabing eroplano noong Marso 21.