Muling nagpaalala ang mga otoridad at eksperto sa publiko na iwasan ang pag-overshare ng mga personal information sa online at maging mapagmatyag laban sa pag-reply sa mga scam texts.
Inihayag ng isang cyber security expert, na ang mga nasabing personal na impormasyon ng mga subscriber ay umaabot sa mga scammers sa pamamagitan ng data breaches na ibinebenta sa dark web.
Ito aniya ang dahilan kung may ilan sa mga scam text ay nakakatugma sa number at pangalan ng may-ari.
Wala aniya itong pinagkaiba sa mga lumang scam na text message na nagta-target na linlangin ang mga receiver sa pagpapadala ng pera o upang makakuha ng pribadong impormasyon tulad ng mga password.
Nauna ng sinabi ng mga opisyal ng pulisya na hangga’t walang batas sa pagpaparehistro ng mga SIM card sa bansa, laging dead end ang mga imbestigador dahil gumagamit ang mga scammer ng prepaid card.