-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nananawagan ng tuong sa ngayon ang South Cotabato Medical Society dahil kinukulang na rin ngayon ng medical supplies ang mga ospital sa probinsya.

Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Medical Society o SOCMED Vice President Dr. Sherry Mae Embay.

Dagdag pasanin aniya ito sa mga ospital sa kanilang probinsya na hirap na rin makakuha ng supply ng oxygen bukod pa sa halos okupado na rin ang lahat ng kanilang mga hospital beds.

Kabilang sa mga medical supplies na kinukulang na sila sa ngayon ay ang mga PPEs at gamot para sa mga pasyente.

Sakaling patuloy na tumaas ang kaso ng covid-19 sa probinsiya, sinabi ni Embay na lalo pang lalala ang kanilang sitwasyon.

Kasabay nito, umapela ng tulong ang mga doctor sa local government unit na bumili ng pulse oximeter at oxygen para sa kanilang mga isolation facility.

Inirerekomenda din nila sa mga LGUs na magkaroon ng mobile laboratory para makakapag-pa-test ang mga pasyente sa mga isolation facility.