-- Advertisements --

Nagbabala si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa mga ospital na food items ang ibinibigay sa mga health workers kaysa cash incentives.

Ginawa ito ni Defensor matapos na makatanggap ng reklamo na mayroong mga specialty hospitals sa Quezon City hindi ibinibigay ang cash incentives sa kanilang mga health workers.

Nasa P40,000 na cash incentives aniya ang inaasahan ng mga health workers sa mga ospital na ito pero sa halip ay bigas at groceries ang kanilang natanggap.

Ipinapaalala ni Defensor na sa Bayanihan 2 Law, ang bawat health personnel ay entitled na magkaroon ng buwanang risk allowance bukod pa sa kanilang hazard pay at iba pang benefits.

Kung tutuusin, ilang buwan na nga aniyang delayed ang additional compensation na ito, pero sa halip na cash ay in kind pa ang iginawad sa mga health workers.

Sabi ni Defensor, paglabag sa Procurement Law ang maari ring sapitin ng mga ospital na ito kung itutuloy ang pagbili ng mga food items kapalit ng dapat ay cash incentives sa mga heal workers.

Kaya naman hinihimok ng kongresista ang Department of Health na magbigay ng update sa mga mambabatas hinggil sa kanilang compliance sa Bayanihan 2 Law.