-- Advertisements --

Humaharap ngayon sa imbestigasyon sa korupsiyon ang National Food Authority (NFA) matapos na magbenta umano sa ilang traders ng bigas sa napakababang presyo.

Ilan umano sa mga opisyal ng NFA ay pinayagan ang pagbebenta ng milled rice na nakaimbak sa warehouse ng ahensiya sa presyong P25 kada kilo nang walang bidding kahit pa nasa P23 kada kilo ang nabiling palay.

Kaugnay nito, ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. bumuo na ng isang panel para imbestigahan ang mga alegasyon.

Bukas din ang kalihim sa anumang ahensiya ng gobyerno na nais na magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon para malaman ang katotohanan.

Nangako din si Sec. Laurel ng mabigat na parusa at sanctions laban sa mga corrupt official. (With reports from Bombo Everly Rico)