-- Advertisements --

Nasa bansa na ang ilang opisyal ng Korean Air para magsagawa ng imbestigasyon sa naganap na pag-overshot ng kanilang pampaasaherong eroplano sa Mactan Cebu International Airport.

Lumapag ang sinakyan nila sa Bohol-Panglao International Airport lulan ng 40 pasahero at tatlong opisyal ng Korean Aira at Korean Office of Civil Aviation o KOCA.

Makikibahagi ang mga ito sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagka-overshot ng eroplano sa runway ng nasabing paliparan sa Cebu.

Sasakay ng ferry ang mga ito mula Bohol patungong Cebu.