-- Advertisements --

Nanguna ang mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas na tinaguriang highest paid officials noong 2023.

Ayon sa Commission on Audit (COA) na 12 opisyal ng BSP ang mayro pinakamataas na kita sa gobyerno.

Pinangungunahan ito ni BSP Governor Eli Remolona na tumanggap ng P35,478,813.42 na sahod at allowances.

Sinundan siya ni dating BSP governor Felipe Medalla na mayroong kabuuang kita na P34,172,508.34.

Mula pangatlo hanggang pang-12 sa listahan ay mga miyembro ng BSP monetary board at ilang senior assistant governors ng BSP.

Nasa pang-13 na puwesto si Supreme Court Associate Justice Alfredo Benjamin Caguiao na tumanggap ng P19,648,395.90 siya rin ang nanguna sa highest-paid official ng SC habang si Chief Justice Alexander Gesmundo ay nasa pang-18 na puwesto na mayroong kabuuang P16,316,567.20 at pang-19 naman si Associate Justice Antonio Kho Jr na may kita na P16,080.538.60.