-- Advertisements --

Ikinalungkot ng ilang mga live sellers ang naging anunsyo ng kumpanyang META na kanila ng tatanggalin ang live-selling feature sa social media platform na Facebook.

Epektibo kasi sa Oktubre 1 ay hindi na maaring magsagawa ng live shopping event sa nabanggit ng social media.

Paglilinaw ng META na maari pa ring magamit ang live events subalit hindi ang pagsagawa ng live selling.

Umaasa naman ang mga live sellers na makapagbenta pa rin sila sa nabanggit ng social media platform.