Hindi na pagbabawalan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga trucks na nagdadala ng mga langis ganun din mga nagdadala ng pangunahing bilihin na makabiyahe kahit na may pinapatupad na truck ban at number coding sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA chairman Atty. Romando Artes na ito ang kanilang natalakay sa pulong niya sa mga alkalde ng Metro Manila.
Lumabas ang nasabing hakbang matapos na makita na nasa kakaibang sitwasyon ang lagay ng bansa dahil sa krisis na nararanasan sa Gitnang Silangan.
Dagdag pa nito na hiniling mismo ng Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI ) ang nasabing exemption sa number coding ng nasabing mga trucks.
Makikiapag-ugnayan sila sa mga DTI para malaman kung anong mga essential goods ang kanilang papayagan sa exemption.
















