-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpasaklolo na sa Bombo Radyo ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Qatar matapos na nabiktima ng panloloko ng kapwa OFW.
Ang inirereklamo ng mga OFW ay si Mr. Angelito Menor, tubong Nueva Ecija.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Joel Dasilag ng Capiz, sinab nito na nakasama niya sa trabaho si Menor sa Qatar kung saan nagsilbi itong supervisor nila.
Ayon kay Dasilag, Lumapit sa kanya si Menor at humingi ng tulong dahil nangangailangan ito ng pero kasabay ng pagtiyak na ibabalik din ito agad.
Ngunit makaraan ang ilang buwan, hindi na nakapagbayad si Menor at nadiskubre ni Dasilag na marami na ring OFW sa Qatar ang hiniraman ng pera ni Menor.
Sinasabing umabot na sa P5 million ang natangay nito mula pa noong 2017.