-- Advertisements --
image 451

Lumago pa ang mga ocean-based industries sa buong bansa, batay sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Umangat ang mga naturang industriya ng 21.1% at nagawang makapag-ambag ng 3.9% na gross domestic product.

Ito ay katumbas ng P857.74 billion na paglago nitong 2022 habang noong 2021 ay umabot lamang ng hanggang P708.1billion.

Sa ilalim ng naturang industriya, naitala ng coastal accommodation, food, and beverage services ang pinakamalaking paglago na umabot sa 248.3%.

Pumangalawa dito ang coastal recreation na imabot ng hanggang 161.7%, habang ang offshore at coastal mining and quarrying ay nagtala ng hanggang sa 56.3% na pag-angat.

Sa kasalukuyan, nananatili ang ocean fishing o pangingisda sa mga karagatan ng bansa ang may hawak sa pinakamalaking share kumpara sa iba pang ocean-based industries. Hawak nito ang hanggang 31.5% share.

Kaugnay nito, naitala ang hanggang sa 2.22 million na bilang ng mga taong naka-employ sa ilalim ng naturang industriya noong 2022. Mas mataas ito ng 10.9% kumpara sa 2.01million katao noong nakalipas na taon.

Karamihan sa mga nagtatrabaho sa ilalim nito ay mga mangingisda na may kabuuang 51.4%