-- Advertisements --

Nakapagdesisyon na ang estado ng Sao Paolo sa Brazil na payagan ang muling pagbubukas ng mga negosyo simula sa susunod na linggo.

Ito’y sa kabila ng mabilis na pagtaas ng bilang ng coronavirus cases sa nasabing basan.

Ang Sau Paolo ay may painamalaking populasyon at ekonomiya sa buong Brazil. Ayon kay Governor Joao Doria, kakayanin ng mga medical facilities sa Sau Paolo na alagaan ang lahat ng pasyente.

Nakapagtala ang Brazil ng mahigit 390,000 kaso ng coronavirus at kada-araw naman ay umaabot ng 1,000 ang namamatay. Ang naturang bilang ay jigit na mas mataas kaysa sa Estados Unidos.

Noong Marso nang isara ang mga non-essential businesses sa Sao Paulo at inutusan ang mamamayan nito na manatili lamang sa loob ng kanilang mga bahay.

Nagbunsod ang desisyon na ito dahil na rin sa mga natatanggap na tawag ng gobyerno ng Sau Paolo mula sa kanilang mga residente na humihiling sa muling pagbubukas ng kanilang ekonomiya.

Hindi man suportado rito ang iba’t ibang estado sa Brazil ngunit dahil umano sa utos ito ni Brazil President Jair Bolsonora ay kailangan nilang sumunod.