-- Advertisements --

Ikinatuwa ng mga grocery owners at mga maliliit na negosyante ang pahayag sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na wala ng ipapatupad na lockdown dahil sa COVID-19.

Ayon sa Philippine Franchise Association and the Philippine Amalgamated Supermarket Association, na isang pahirap sa kanilang negosyo ang nasabing mga lockdown.

Sinabi naman ni Steven Cua, President of the Philippine Amalgamated Supermarket Association (PAGASA) , na hindi na nila makakaya ang muling pagkakaroon ng lockdown dahil sa sobrang taas na ang mga operation cost.

Iginiit naman ni Ma. Alegria “Bing” Limjoco ang Director of the Philippine Franchise Association, na hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin silang bumabangon kaya magiging pahirap sa kanila ang muling pagpatupad ng lockdown.