-- Advertisements --
Ibinunyag ng Pentagon na ang mga natanggap na mga drones ng Russia mula sa Iran ay may depektibo.
Sinabi ni Pentagon spokesman Brig-Gen Patrick Ryder na malaki ang posibilidad na halos lahat unamanned aerial vehicles (UAV) ay mayroong deperensiya.
Base rin sa kanilang mga nakalap na impormasyon ay nakaranas ito ng ilang beses na mga pagkakasira.
Magugunitang nangako ang Iran na magbibigay ng mga UAV at mga drones sa Russia.