-- Advertisements --
Tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno ang tulong sa mga nasunugan sa Sta. Cruz, Maynila.
Umabot kasi sa mahigit 260 pamilya ang naapektuhan.
Magugunitang mahigit tatlong oras bago naapula ang sunog sa residential area.
Mabilis na kumalat ito dahil sa magkakadikit ang mga bahay bukod pa sa gawa ang mga ito sa light materials.
Itinuturing dahilan ng sunog ay ang naiwang nakasalang na nilulutong bigas.