Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay sa Shanghai, China nang dahil pa rin sa COVID-19.
Batay sa pinakahuling datos ay nakapagtala pa ng dagdag na pitong mga indibidwal na nasawi ang nasabing bansa dahilan para pumalo na sa sampu ang total official death toll doon.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin na iginigiit ng Beijing na naiwasan anila ang mga pagkamatay at public health crisis nang dahil sa nasabing virus sa pamamagitan ng kanilang zero-Covid policy na hard lockdowns, mass testing, at mahahabang quarantine.
Ayon sa Shanghai Municipal Health Commission, ang pitong nasawing mga indibidwal ay nasa pagitan ng mga edad na 60 at 101 taong gulang, at lahat ng ito ay dumanas ng mga underlying conditions tulad ng sakit sa puso at diabetes.
Samantala, bukod dito ay ipinahayag din ng komisyon na nakapagtala rin sila ng nasa mahigit 20,000 na mga bagong kaso ng COVID -19, ngunit karamihan sa mga ito ay pawang asymptomatic.