-- Advertisements --
Aabot sa mahigit 1,700 katao na ang nasawi dahil sa nararanasang heatwave sa Spain at Portugal.
Ayon kay World Health Organization regional director for Europe Hans Kluge na inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi.
Bukod kasi sa init ng panahon may mga nasawi dahil sa paninikip sa dibdib bunsod ng mga malawakang wildfire.
Nakipagtulungan na rin sila mga iba’t-ibang bansa para talakayin ang problema sa climate change.