-- Advertisements --
IMG 20200527 123445

Umabot na sa mahigit 2,000 ang mga napauwing mga overseas Filipino workers (OFWs) na dumadaan sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kabuuang 2,224 na ang napauwing mga OFWs as of alas-12:00 ng tanghali ngayong Miyerkules.

Lulan ang mga ito ng 102 bus at ang pinakamalayong destinasyon ay sa Bicol Region.

Pinakamarami sa mga umuwi ay mga OFWs mula sa Region 4 na mayroong kabuuang 722, sunod dito ang Region 5 na may 363.

Screenshot 2020 05 27 12 33 53 98

Nasa 360 OFWs naman ang napauwi mula sa Region 3, 300 sa Region 1, 62 sa Cordillera Administrative Region (CAR) at 11 sa National Capital Region (NCR).

Ayon naman sa mga OFWs na nakapanayam ng Bombo Radyo Philippines, maganda ang sistema sa PITX at madali lamang kumuha ng clearance para sila ay makauwi na sa kanilang mga probinsiya.

Ang mga OFWs ay galing sa iba’t ibang quarantine facilities sa Metro Manila.